"Saranghae"
Ngayon alam ko na,
tayo'y sadyang magkaiba.
Hindi dahil sa ika'y bata pa,
O pag-aaral ang iyong inuuna.
Ayaw mo sakin yan ang totoo,
wala akong magagawa kundi tanggapin ito.
Dati pa ay tanggap ko na talaga,
tadhana natin ay di para sating dalawa.
Magkaibang dimensyon ang ating kinakatayuan,
maharlika ka at ako'y basura't pinagtatawanan.
Ayaw ko ng maghanap ng iba pang dahilan,
di ko ipagpipilitan ang aking kaluluwa't katawan.
Wala akong pinagsisisihan,
sayang lang at di tayo lubos na naging magkaibigan.
Di ko lang talaga gustong masayang ang aking oras,
parang isang tangang umaasa sa isang walang hanggang wakas.
Masakit man sakin na ika'y hindi ipaglaban,
munit ako'y lubusan ng nasasaktan.
Ako ngayo'y magpapaalam,
pagkat ang puso'y gutom na't kumakalam.
Gutom sa atensyon ng isang iniirog,
sa pagmamahal sana ng iba'y ako'y mabusog.
Di mo man batid ako ngayo'y papaalam na,
Ako ngayo'y di na mangungulit pa.