Fact you.Ang puso, ano nga ba ang puso? karamihan pwedeng sagutin ay "hugis manggang na nasa loob ng dibdib" ano pa ba? "Basta....tumitibok". Ilang lang yan sa mga maaring sagot. Ang puso ay ang gumagawa ng dugo upang ipakalat sa ating buong katawan para ito ay gumalaw, gasolina kung ihahalintulad sa kotse. Sa aking pagbabasa may mga nalaman akong nakakamangha, Alam mo bang 100,000 beses itong tumitibok sa isang buong araw na nagpapadala ng 2,000 na galon sa buong katawan at kung susumahin mo titibok ang puso ng mahigit kumulang 35,000,000 sa isang taon. Isipin mo kung ilang bote ng galon ang mapupuno mo, siguro sa isang buong araw ng suplay ng dugo mo eh pwedeng makapagpaligo ng dalawang pamilya kasama na ang lolo't lola ah. Ang nakakatuwa lang eh alam mo bang ang bawat tibok ng puso ko ay para sayo? yung 100,000 kada araw lahat yun wala kahit isang di maipapabilang. Kung ang bawat tibok ng puso ko ay katumbas ng isang letra na makakabuo ng makatang tula Aba! mala Shakespeare na ata ako. Salamat sa pagbibigay ng libo libong galon ng dugo sa pang araw-araw :)
Teka, sandali. Meron pa pala! Ang utak ng tao ay may bigat na 3pounds, parang isa't kalahating kilo ng bigas. Merong 100 billion na neuron sa utak, ito yung matatawag kong gasolina para sa ating mga kokote. 100 billion, kung sisimulan mo ngayon magbilang ng 1 up to 100 billion matatapos ka pa pagkatapos ng 171 years, meron ka ng apo sa sakong ng mga panahon na yan. Napakadaming laman ng utak, di pa kasali ang kalaswaan at kababuyanna ginagawa natin sa pangaraw-araw ah, sa sobrang dami ng pwedeng laman ng utak alam mo bang kaya nitong magimbak ng mga ideya na mas marami pa sa mga atom ng buong universe, Walang biro! Isipin mo nalang gaano kadaming paraan kita maaring mahalin, higit pa sa universe!Yung 100 billion na neuurons lahat yun tauhan ko, at lahat ng mahal ko, mahal nila. Master nila ako eh. Isipin mo nalang 101 billion na ang nagmamahal sayo, ganun katindi ang pagmamahal ko sayo :)
- Renato P. Magbalon III