Monday, October 11, 2010

Maneng Mane.

I.Pambungad

Dise-sieteng taon na akong nabubuhay at pauloy padin akong naghahanap ng kasagutan upang madagdagan ang aking kaalaman kung sino nga ba ako.

Araw-araw namumulot ng mga pirapirasong alala ng nakaraan upang maitugma sa kasalukuyan.

Ang lahat ng ito ay dahil sa kinabukasang aking pianghahandaan.




II. Sino ka nga ba?

Ako yung madalas husgahan ng ganito, ganyan.

Aaminin ko napipikon ako minsan, ngunit ipagpapasa-Diyos ko nalang lahat yan.

Mas pinili kong mabuhay ng simple at normal, di ako kumakabilang sa ibang angat sa buhay hambog naman.

Mataas ang tingin ko sa aking sarili, di dahil maraming ginto at pilak ang aking bulsa, ito'y dahil sa ako ay isang obramaestra ni Ama.

Taas noo ako maglakad ngunit walang halong kahambugan, gusto ko lang mapakita sa lahat na hindi ako takot pagkat alam kong kung kakampi ko si Ama, sino pa ang kakalaban?

Masaya ako kung sino ako, at nirerespeto ko kung sino ka.



III. Hustisya



Malaking bagay na ang makuha mo ang respeto ko, dahil hindi lahat binibigyan ko.

Bakit kita bibigyan karapatdapat ka ba magkaroon? Ngayon, tanungin mo ang sarili mo.

Nakikisama ako sa lahat, dahil ayoko ng nakakatapak ng tao, nagpapalugi ako para lang wala ng gulo, ngunit lumalaban din pag umaabuso.

Itinatago ko ang aking mga tunay na kaibigan sa aking puso.

Dahil marunong akong magpahalaga.

Nasa puso ko din naman ang mga taong walang kwenta ngunit sa parte ng puso ko na puro poot.

Di ako nakakalimot, dahil kamatayan at katandaan lang ang kayang magbura ng mga oras na tumatak sa isipan.




IV. Sa loob ng kaliwang parte ng dibdib

Kaya kong sabihin sa buong mundo na kapag ako'y nabibigo ako ang mas nasasaktan dahil alam kong kung sino ang mas nasaktan siya ang mas nag nagmahal.

Ako at madalas sumugal, madalas mang talo ay masaya naman.

Wala mang pulseras at mga dyamante, di man elegante, para sakin walang tatalo sa babaeng simple.


-Renato P. Magbalon III