Monday, April 30, 2012

natsosmart/ chicken!

Sabi nila, mas madaling makuha ang manok na nakatali. Sabi ko naman, mahiya ka naman sa nagtali. Kanina naisip ko, kung di ka naman inaalagaan ng nagtali sayo, marapat lang na tanggalin kita sa pagkataling yan at kupkupin ko nalang. 
Di kita itatali, ikaw ay aking babakuran. Malaya kang makakalipad kung nanaisin mo, pero hanggang sa bakod lang. Bakod ng pag-ibig. 

Punyeta! Naalala ko, di ka pala manok.

Natsosmart/ Selda

Kung iisipin mo ayus lang din yung walang pangarap, sympre wala kang expectations sa sarili mo, di ka madidisappoint kung di mo maabot yung gusto mo, chill na chill lang. Pero para sakin lang kung nakuntento ka na sa ganun mamuhay ng neutral, yung matakot sa failure ikaw din mismo ang nag bartolina sa sarili mo, nagpakulong ka sa sarili mong takot. Walang masama matakot kasi tao ka nga naman may emosyon, pero tandaan mo tao ka, mas may kakayanan ka kesa sa mga hayup magisip, rational being ka, mas may kapasidad kang magisip na kung sumemplang ka sa unang subok mo, tatayo ka at susubukan ulit. Try mo i-imagine isang kangaroo pinagbike mo, sumemplang, tingin mo susubukan nya pa ulit? Sympre hindi kasi di naman tlga nagbibike yung mga yun.

Ang punto ko lang, ang mamuhay sa takot ay parang si mayweather, duwag.

Natsosmart/ Risktaker, undertaker

Pano mo malalaman kung hindi mo susubukan! Ganyan dapat ang approach natin sa buhay. Take the risk. Sabi nga ng mga qoutes sa internet, ang buhay ay isang laro. Matalo ka man, atleast sinubukan mo. Natalo kang may dangal at angking katapangan. Healthy din ang magtake ng risk, kesa manood ng reality show na tungkol sa mga kabataang gustong sumikat o magfacebook buong araw, lalaki lang tyan nyo dyan.

Natsosmart/ Para kang papa mo

Kung ako tatanungin kung ano gusto ko maging paglaki ko. Ang sagot ko, maging isang mabuting asawa at higit sa lahat ulirang tatay sa mga anak ko. 

Kahit di maging abogado, kahit di amerikana ang uniporme ko.

Mas importante padin ang pamilya kesa sa sweldo at trabaho - RPM3

Natsosmart/ Walang Hagdan

Kung may gusto kang abutin, paghihirapan mo sympre! Pero tandaan, hindi ka makakaakyat kung walang hagdan.

Ang ibigsabihin ko, kung gusto mo matuto magbisikleta magsisimula ka sa apat na gulong imbes nalang kung may lahi kayong gymnastic at halimaw ang balancing skills mo. Pagkatapos ay dahan dahan mong tatanggalin yung dalawang sumusuportang gulong hanggang sa dalawa nalang. Mahihirapan ka pero kakayanin mo. Ang mahirap eh yung tumanda ka nalang apat padin yung gulong ng bisikleta mo.

Malabo parin? Ito na nga summarize. Bago ka matutong umakyat ng bakod, may taong tutulak muna ng pwet mo sa ilalim hanggang sa ikaw nalang yung magisang lulundag.

Tama na nga ang pagbibigay examples!

Basta, hindi pwedeng bida bida ka na maabot mo pangarap mo na ikaw lang, kahit gaano ka kagaling, kailangan mo parin mg tulong bago ka makatayo magisa.


-RPM3

Tuesday, April 17, 2012

Quasi- contractual Obligation

Sabi sa batas ang obligasyon maari manggaling kahit walang contrata, quasi- contract. Ibig sabhin,maari kong maging obligasyon ang mahalin ka kahit wala tayong ginawang kasunduan na tayo na, basta ang magbebenipisyo nito ay para sating dalawa, at makamit ang katarungan. Makatarungan naman ang pagtingin ko sayo diba?

Tuesday, April 3, 2012

Buong sistema ko, sayo.

Mga paa ko?
handang lumakad ng ilang milya, mahatid ka lang.
handang tumakbo, masagip ka lang.
handang lumuhod mapatawad mo lang.

Mga braso at kamay ko?
handang yakapin ka pag malamig,
hawakan ka lalo na pag tatawid.
Pag umiyak ka, kamay ko sana ang pupunas nito,
pag nahulog ka, braso ko sana ang pangsalo.

Itong mata ko?
Hindi magsasawa sa kagandahan mo,
titignan ka palagi upang mag silbing bantay mo.
Ispesyal ang mata ko dahil may mga nakikita ako na di nila nakikita sayo,
yun lang tagaktak ang luha nito pag nawala ka sa buhay ko.

Itong bibig ko?
laging babanggitin ang panalan mo,
sisigaw man, pero para sa ikabubuti mo.

Itong tainga ko?
Walang sawang makikinig sa lahat ng sasabihin mo.
Lahat ng kwento mo,
lahat ng problema mo,
lahat ng kahilingan mo,
lahat yan iintindihin ko para sayo.

BUONG SISTEMA KO, SAYO.

- nats