Kung may gusto kang abutin, paghihirapan mo sympre! Pero tandaan, hindi ka makakaakyat kung walang hagdan.
Ang ibigsabihin ko, kung gusto mo matuto magbisikleta magsisimula ka sa apat na gulong imbes nalang kung may lahi kayong gymnastic at halimaw ang balancing skills mo. Pagkatapos ay dahan dahan mong tatanggalin yung dalawang sumusuportang gulong hanggang sa dalawa nalang. Mahihirapan ka pero kakayanin mo. Ang mahirap eh yung tumanda ka nalang apat padin yung gulong ng bisikleta mo.
Malabo parin? Ito na nga summarize. Bago ka matutong umakyat ng bakod, may taong tutulak muna ng pwet mo sa ilalim hanggang sa ikaw nalang yung magisang lulundag.
Tama na nga ang pagbibigay examples!
Basta, hindi pwedeng bida bida ka na maabot mo pangarap mo na ikaw lang, kahit gaano ka kagaling, kailangan mo parin mg tulong bago ka makatayo magisa.
-RPM3
No comments:
Post a Comment