Tuesday, May 1, 2012

natsosmart/ Ganda ng school mo eh.

Ayaw ko maging bilog sa institusyon kung asan ako ngayon, di dapat maging malaki ulo ng isang tao kung parte sya ng isang prestihiyosong institusyon na onti lang ang nakakapasok dahil mahirap pumasa.

Ang satirikong pagsulat kong to ay natural hindi para sakin, ito ay para sa mga malalaking ulo nating kababayang studyante na para bang ang taas taas ng pagkatao dahil sa eskwelahan nya ngayon. Di naman ako nag-aaral sa __________!.

Hindi ito patama sa eskwelahan, kundi sa piling studyanteng malaki ang ulo.
Di ako bitter, pero sige sabihin na nating bitter-ish.

Bitter-ISH ako kasi parang nakakatapak ng pagkatao yung kayabangan ng mga kababayan nating walang magkasyang sumbrero.

Kung taga ano ka, at taga ano lang kami hindi nangangahulugan na mas mabuting tao ka, o mas angat ka samin. Angat ka siguro sa social ladder, kasi mas kilala ka pero bilang ano? bilang hambog na nilalang.

Naniniwala padin ako sa kasabihan na narinig ko nung nagtake ako ng collegiate entrance exam "Wala sa school yan, nasa estudyante!" Para sakin totoo eh, ganda ng eskwelahan mo, pulpul ka naman eh wala din. Pero in case naman na maganda eskwelahan mo, tapos di ka naman bumabagsak PERO umaapaw ka sa kayabangan iba naman yun! Pumasa ka man dyan, at makakuha ng napakagandang trabaho na magibibigay sayo ng sobrang laking sweldo hindi parin nangangahulugang hindi pantay ang pagiging tao nating dalawa. Mas mataas ka, sa estado ng buhay lang pero hindi ka mas mataas kung ang paguusapan ay ang kabuohan ng pagkatao.

Taga ________ ka? Ano ngayon?
Di lahat ng nanggaling sa kung nasan ka ngayon ay matiwasay ang buhay, ang punyeta mo lang.

Sa lahat ng makakabasa nito, wag nyo sanang isipin na wala na kayong magiging kinabukasan kung hindi kayo part ng BIG4, kasi IKAW ANG GUMAGAWA NG SARILI MONG BUHAY hindi sila.

Walang masama mapasali dyan sa mga eskwelahang yan, pero sana kung magiging parte kayo wag sana kayo magbigay o magparamdam ng linyang invisible na naghihiwalay sainyo at sa iba pang studyante. Diskriminasyon padin kasi yan. Kahit naman bobo ako, alam ko padin na ang diskriminasyon ay masama at hindi dapat.

No comments: