Thursday, July 5, 2012

Impromptu shit

You can treat an ordinary person special, but you can never treat a special person ordinary.
Invisus Ingenio

Thursday, June 21, 2012

Forever

Ang pangarap kong maging ABOGADO at ang pangako ko sayong forever na pag-ibig ay pareho lang.

Di natin alam kung matutupad, pero at this very moment gagawin ko lahat para mapatunayan na kaya ko nga. - Invisus Ingenio

Tuesday, June 19, 2012

Sino lang ba dapat ang respetuhin?

Di ako naniniwala na ang respeto ay ibinibigay lang sa kung sino ang karapatdapat nito, dahil ang respeto ay ibinibigay sa bawat tao sa mundo kahit sa hindi mo pa kilala. Lahat ng tao ay may dignidad, nararapat lang na bigyan ito ng kaukulang respeto ngunit naniniwala ako na sa bawat taong nabigyan ng respeto mo ay may sariling desisyon kung aalagaan nya ito o hindi. Tulad ng lahat ng bagay, lahat ng di inaalagaan ay nawawala o nasisira parang respeto din. - Invisus Ingenio (RPM3)

Monday, May 14, 2012

OmniPump

To feel appreciated is an immaterial necessity. (dapat to be loved, pero dahil baduy na sa mata ng marami ang salitang love, to feel appreciated nalang)

Para sakin lang ulit, pusong bato lang talaga ang makakapag sabi na "Wala akong pakialam sa sabihin ng iba, gagawin ko ang gagawin ko"

Actually totoo yan pero hindi absolute, para sakin gumagawa tayo ng mga bagay na gusto natin kahit kumukontra ang IBA, dahil alam din natin na may IBANG tao din na makakaapreciate.

Example:
Magcucut ako ng class! Badshot ka sa mga nerdo, pero wala kang pakialam dun kasi tatanggapin ka naman ng mga nagcucutting din.

Wala kang pakialam sa mga nerdo, dahil may mga kasama kang nagcucutting. So hindi talga sa wala kang pakialam sa mundo at grades mo, pero isa yung factor ng acceptance ng mga kasama mong nagcucutting ang nagbibigay rason bakit ka nagcucutting.

Lahat ng tao sa mundo kahit yung muka ng aparador sa laki ng katawan, kahit gaano sila katigas tignan ay may soft spot sa kanilang puso. Lahat tayo ay kailangan ng pagmamahal at acceptance at yung maapreciate kahit baduy at corny sabihin, totoo yan. Dahil kung hindi natin kailangan ng pagtingin ng iba eh deviant tayong tao, contrary tayo sa social norms. May tao bang gustong maisolate sa sangkatauhan parang wala naman?

Kaya di ako naniniwala sa " to express not to impress" na kasabihan eh.
Kasi kung gagawa ako ng bagay tapos ako lang matutuwa, tapos yung buong mundo ayaw eh parang may mali naman diba? Lahat ng ginagawa natin kahit hindi natin aminin ay laging may nakaabang na pag-asa na sana magustuhan ng iba.

Tulad ng pagsuot ng maduming sapatos, may mga nagsusuot ng sapatos na madumi hindi dahil sa wala silang pakialam sa nakakakita, pero sinusuot din nila yun dahil alam nila maaapreciate din yun nung mga nagsusuot din ng maduming sapatos.

Dapat bukas ang mata natin sa ganitong aspeto ng buhay, upang malaman natin na halos lahat ng ginagawa ng tao ay kailangan natin bigyang halaga dahil hindi lang nila gusto yun, kundi kailangan nila.

Kahit ako, nagsusulat ako ngayon di ko naman isinulat to para ako lang ang makarelate at ako lang ang matuwa sa mga wrong grammar ko eh, sympre kahit papano gusto ko din na may acceptance ako kahit sa pinakamaliit na number ng society kasi LOVE yun eh, ang sarap sarap sa pakiramdam nung may nakaapreciate sayo. Hindi naman ako nabuhay para sa sarili ko lang. NO MAN IS AN ISLAND.

To sum it all up, everybody deserves to be loved. - Invisus Ingenio (RPM3)

Saturday, May 12, 2012

Mama's boy since birth!

Inumaga na ako sa pagtapos ng case digest ko, pero sabi ko sa sarili ko di ako matutulog hanggat di ko nagagawan ng tula ang nanay ko ♥
Happy Mother's Day!


Sulat patungo sa puso mo, Adelina Pradilla Magbalon.

Wala na akong iba pang mahihiling,
nanay kong bibihira kung umiling.
Lahat ay kanyang gagawin para samin,
dapat lang na sya ay lubos na mahalin.

Mama, kaya kitang ipagmayabang sa buong mundo.
Literal na "Greatest mom in the world" ang nanay ko.
Swerte ako, dahil wala sila kung anong meron ako.
-- Inang katulad mo.

Mahal na mahal kita, mama.
Wag ka na sana muli pang lumuha.
Kapag umiiyak ka, umiiyak din ako.
Daig ko pa namatayan sa bigat ng nararamdaman ko.

MAWALA NA LAHAT, WAG LANG IKAW!
AANHIN PA ANG TAHANAN KUNG WALANG ILAW.
Unang babaeng minahal, minamahal pa at mamahalin buong buhay ko.
Balang araw babawi din ako sa lahat ng paghihirap mo.

Di matutumbasan ng mga linya sa tula ko lahat ng kabutihang ginawa mo.
Walang bagay sa mundo na kayang palitan lahat ng sakripisyo mo.

Sana pagdating ng araw makabawi man lang ako,
pero sa ngayon mapangiti man lang sana kita sa tulang ginawa ko.

-Nats, Proud Mama's boy!

Tuesday, May 8, 2012

Labor day? Este National Protest day

Saludo ako sa mga aktibista nating kapatid na pumuprotesta, nagtitiis sa init ng araw at handang masaktan para sa ipinaglalaban!

Kung ganyan nga lahat ng pumuprotesta, napapansin ko kasi parang yung iba hindi naman. Yung iba gusto lang mapatunayan na matalino sila.

May mga pumuprotesta dahil sawa na sila sa kahirapan, dahil sa kailangan na ng pagbabago, kung hindi nila uumpisahan ang pakikibaka edi sino nalang? Ito ay mga gawaing pang bayani! At saludo ako don, basta wag lang sana humantong sa sakitan. Gusto lang naman ng mga ito ay marinig ng otoridad ang hinaing nila eh, kahit parang sa wala namang nangyayari. Modern day bonifacio!

PERO! may mga pumuprotesta lang din para lang mapatunayan ang kanilang katalinuhan, para masabi na mas matalino sila sa otoridad na ipinoprotesta nila. "wow! aktibista! siguro matalino yan!" yan ang mga salitang gustong gusto nila marinig. Sumasali lang sa pakikibaka dahil masyado lang mataas ang tingin nila sa kanilang kapabilidad at kakayan magisip, yan ang wag naman sana. Pag natalinuhan ka na masyado sa sarili mo at feeling mo mas mataas ang kakayanan mo magisip sa lahat lalo ka lang makakahanap ng butas sa otoridad, kahit paminsan parang wala naman.

WALANG BAGAY NA MAGANDA SA MAPANURING MATA.

Ito lang ay aking opinyon wala sanang magagalit.

Makibaka para sa pagbabago, hindi para sa sasabihin sayo ng ibang tao. -rpm3

Sunday, May 6, 2012

Power? kilikili power?

Lahat ng tao ay may power, POWER OF CHOICE.

para sakin ang bawat nilalang sa mundo ay binigyan ng kapangyarihan na gawin ang gusto nyang gawin, kapangyarihan pumili.

Lahat ng bagay pwede mong gawin! panigurado yan, pero wag nyo ako pilosopohin. Lahat pwede mo gawin pero may mga standards ng buhay na ipinagbabawal ito tulad ng public norms and morals at ang batas, pero kahit meron naman nun ay hindi naman yung makakapigil eh. Panakot lang yun na pag ginawa mo yung bagay na hindi dapat ay may katumbas na kailangan mong harapin, parang yung sinabi lang ng elementary teacher ko sakin nung nagpaalam ako ng "may I go out?" sagot nya "you may but you can not".

Ang punto ko lang, kung may gusto kang gawin sa buhay mo panindigan mo dapat ang magiging consequence. sinasabi ko to dahil onti nalang ang mga taong may bayag na harapin ang consequence na sinasabi ko.

Kung gusto ko pumatay ng tao, magagawa ko pero dapat handa akong makulong.
Kung gusto ko umihi sa lababo, dapat handa akong pagalitan ng nanay ko.
Kung gusto ko hindi magaral, dapat handa akong matulog sa malamig na sahig na walang kutson.
Kung gusto ko maging drug addict, dapat handa akong mawala lahat ng appliances sa bahay.

Simple lang, hindi naman siguro sa alam ko lahat ng bagay sa mundo pero di mo naman kailangan maging rocket scientist para marealize itong mga pinagsasabi ko, simple KUMON SENTIDO lang.

Ewan ko ba, bat ako nagsusulat ng ganito ngayong madaling araw at may klase pa bukas, di bale, sa pagpupuyat kong to handa naman akong malate at hindi makapasa ng assignment sa accounting kung sakali - RPM3

Tuesday, May 1, 2012

natsosmart/ Ganda ng school mo eh.

Ayaw ko maging bilog sa institusyon kung asan ako ngayon, di dapat maging malaki ulo ng isang tao kung parte sya ng isang prestihiyosong institusyon na onti lang ang nakakapasok dahil mahirap pumasa.

Ang satirikong pagsulat kong to ay natural hindi para sakin, ito ay para sa mga malalaking ulo nating kababayang studyante na para bang ang taas taas ng pagkatao dahil sa eskwelahan nya ngayon. Di naman ako nag-aaral sa __________!.

Hindi ito patama sa eskwelahan, kundi sa piling studyanteng malaki ang ulo.
Di ako bitter, pero sige sabihin na nating bitter-ish.

Bitter-ISH ako kasi parang nakakatapak ng pagkatao yung kayabangan ng mga kababayan nating walang magkasyang sumbrero.

Kung taga ano ka, at taga ano lang kami hindi nangangahulugan na mas mabuting tao ka, o mas angat ka samin. Angat ka siguro sa social ladder, kasi mas kilala ka pero bilang ano? bilang hambog na nilalang.

Naniniwala padin ako sa kasabihan na narinig ko nung nagtake ako ng collegiate entrance exam "Wala sa school yan, nasa estudyante!" Para sakin totoo eh, ganda ng eskwelahan mo, pulpul ka naman eh wala din. Pero in case naman na maganda eskwelahan mo, tapos di ka naman bumabagsak PERO umaapaw ka sa kayabangan iba naman yun! Pumasa ka man dyan, at makakuha ng napakagandang trabaho na magibibigay sayo ng sobrang laking sweldo hindi parin nangangahulugang hindi pantay ang pagiging tao nating dalawa. Mas mataas ka, sa estado ng buhay lang pero hindi ka mas mataas kung ang paguusapan ay ang kabuohan ng pagkatao.

Taga ________ ka? Ano ngayon?
Di lahat ng nanggaling sa kung nasan ka ngayon ay matiwasay ang buhay, ang punyeta mo lang.

Sa lahat ng makakabasa nito, wag nyo sanang isipin na wala na kayong magiging kinabukasan kung hindi kayo part ng BIG4, kasi IKAW ANG GUMAGAWA NG SARILI MONG BUHAY hindi sila.

Walang masama mapasali dyan sa mga eskwelahang yan, pero sana kung magiging parte kayo wag sana kayo magbigay o magparamdam ng linyang invisible na naghihiwalay sainyo at sa iba pang studyante. Diskriminasyon padin kasi yan. Kahit naman bobo ako, alam ko padin na ang diskriminasyon ay masama at hindi dapat.

Monday, April 30, 2012

natsosmart/ chicken!

Sabi nila, mas madaling makuha ang manok na nakatali. Sabi ko naman, mahiya ka naman sa nagtali. Kanina naisip ko, kung di ka naman inaalagaan ng nagtali sayo, marapat lang na tanggalin kita sa pagkataling yan at kupkupin ko nalang. 
Di kita itatali, ikaw ay aking babakuran. Malaya kang makakalipad kung nanaisin mo, pero hanggang sa bakod lang. Bakod ng pag-ibig. 

Punyeta! Naalala ko, di ka pala manok.

Natsosmart/ Selda

Kung iisipin mo ayus lang din yung walang pangarap, sympre wala kang expectations sa sarili mo, di ka madidisappoint kung di mo maabot yung gusto mo, chill na chill lang. Pero para sakin lang kung nakuntento ka na sa ganun mamuhay ng neutral, yung matakot sa failure ikaw din mismo ang nag bartolina sa sarili mo, nagpakulong ka sa sarili mong takot. Walang masama matakot kasi tao ka nga naman may emosyon, pero tandaan mo tao ka, mas may kakayanan ka kesa sa mga hayup magisip, rational being ka, mas may kapasidad kang magisip na kung sumemplang ka sa unang subok mo, tatayo ka at susubukan ulit. Try mo i-imagine isang kangaroo pinagbike mo, sumemplang, tingin mo susubukan nya pa ulit? Sympre hindi kasi di naman tlga nagbibike yung mga yun.

Ang punto ko lang, ang mamuhay sa takot ay parang si mayweather, duwag.

Natsosmart/ Risktaker, undertaker

Pano mo malalaman kung hindi mo susubukan! Ganyan dapat ang approach natin sa buhay. Take the risk. Sabi nga ng mga qoutes sa internet, ang buhay ay isang laro. Matalo ka man, atleast sinubukan mo. Natalo kang may dangal at angking katapangan. Healthy din ang magtake ng risk, kesa manood ng reality show na tungkol sa mga kabataang gustong sumikat o magfacebook buong araw, lalaki lang tyan nyo dyan.

Natsosmart/ Para kang papa mo

Kung ako tatanungin kung ano gusto ko maging paglaki ko. Ang sagot ko, maging isang mabuting asawa at higit sa lahat ulirang tatay sa mga anak ko. 

Kahit di maging abogado, kahit di amerikana ang uniporme ko.

Mas importante padin ang pamilya kesa sa sweldo at trabaho - RPM3

Natsosmart/ Walang Hagdan

Kung may gusto kang abutin, paghihirapan mo sympre! Pero tandaan, hindi ka makakaakyat kung walang hagdan.

Ang ibigsabihin ko, kung gusto mo matuto magbisikleta magsisimula ka sa apat na gulong imbes nalang kung may lahi kayong gymnastic at halimaw ang balancing skills mo. Pagkatapos ay dahan dahan mong tatanggalin yung dalawang sumusuportang gulong hanggang sa dalawa nalang. Mahihirapan ka pero kakayanin mo. Ang mahirap eh yung tumanda ka nalang apat padin yung gulong ng bisikleta mo.

Malabo parin? Ito na nga summarize. Bago ka matutong umakyat ng bakod, may taong tutulak muna ng pwet mo sa ilalim hanggang sa ikaw nalang yung magisang lulundag.

Tama na nga ang pagbibigay examples!

Basta, hindi pwedeng bida bida ka na maabot mo pangarap mo na ikaw lang, kahit gaano ka kagaling, kailangan mo parin mg tulong bago ka makatayo magisa.


-RPM3

Tuesday, April 17, 2012

Quasi- contractual Obligation

Sabi sa batas ang obligasyon maari manggaling kahit walang contrata, quasi- contract. Ibig sabhin,maari kong maging obligasyon ang mahalin ka kahit wala tayong ginawang kasunduan na tayo na, basta ang magbebenipisyo nito ay para sating dalawa, at makamit ang katarungan. Makatarungan naman ang pagtingin ko sayo diba?

Tuesday, April 3, 2012

Buong sistema ko, sayo.

Mga paa ko?
handang lumakad ng ilang milya, mahatid ka lang.
handang tumakbo, masagip ka lang.
handang lumuhod mapatawad mo lang.

Mga braso at kamay ko?
handang yakapin ka pag malamig,
hawakan ka lalo na pag tatawid.
Pag umiyak ka, kamay ko sana ang pupunas nito,
pag nahulog ka, braso ko sana ang pangsalo.

Itong mata ko?
Hindi magsasawa sa kagandahan mo,
titignan ka palagi upang mag silbing bantay mo.
Ispesyal ang mata ko dahil may mga nakikita ako na di nila nakikita sayo,
yun lang tagaktak ang luha nito pag nawala ka sa buhay ko.

Itong bibig ko?
laging babanggitin ang panalan mo,
sisigaw man, pero para sa ikabubuti mo.

Itong tainga ko?
Walang sawang makikinig sa lahat ng sasabihin mo.
Lahat ng kwento mo,
lahat ng problema mo,
lahat ng kahilingan mo,
lahat yan iintindihin ko para sayo.

BUONG SISTEMA KO, SAYO.

- nats

Thursday, March 1, 2012

Talaarawan.

Talaarawan.

Minsan sana ay tanungin,
gaano ka ba kadalas sa aking isipan,
sapagkat hindi ko kayang banggitin.
Ikaw ang laging laman ng aking talaarawan.

-Nats