Bata pa ako alam ko na gusto ko, hindi maging action star, abogado, milyonaryo, guwapo kundi --- maging masaya. Di ko pa nababasa yung qoute ni john lennon nun na kung tatanungin siya what does he wants when he grows up.
Noon pa man gusto ko lang maging masaya. Mababaw lang akong tao hindi ko noon naisip na gusto ko maging ganito gusto ko maging ganyan. Di ako lumakad sa landas na may pananaw sa kung ano ba talaga gusto ko maging. Pinaanod ko ang buhay ko sa hangin ng tadhana ng nakangiti. Gusto ko lang talaga maging masaya.
Naniniwala ako sa "Happiness is a choice" ano man ang harapin hanggang sa pinaka maliliit na problema tulad ng pagbomba sa arinola pagkatapos mong magbawas, sadyang pinipili ko lang maging masaya. Ngunit! Katagalan napansin ko parang to have a choice is not sufficient to be happy. Kahit piliin ko man maging masaya, nalulungkot padin ako pagkatapos. Kaya ngayon umiikot pwet ko kakahanap sa sikreto kung paano nga ba talagang sumaya.
Im a great great great pretender, siguro pwede akong bayaran para lang mag pretend. Hindi sa magaling ako umarte pero magaling ako sa katagang "okay lang ako :)". May smiley pa diba? Kasi sarcastically obvious im not really okay palagi. Im an insecure, jealous, emotional person. I always end up "self-pity-ing" telling my self im a worthless piece of junk. Sa sobrang galing ko mag pretend dumating sa punto na akala ko talaga okay na ako pero hindi padin pala, yun yung masakit pag great pretender ka. No matter how long you pretend you are okay and happy at the end of the day you lay down in bed and cry because you are sad.
Ngayon ngayon lang narealize ko na ang hirap pala ma attain ng five letter word na yan. Pero na weiweirdohan ako, bakit kaya naman ng iba bakit ako hirap na hirap?
2 comments:
sobrang relate ako. as in relate na relate..
"No matter how long you pretend you are okay and happy at the end of the day you lay down in bed and cry because you are sad."
so me..
ang hirap lang na naging masaya ka tas sa huli iiyak ka din magisa.
Post a Comment